Nag-negatibo sa COVID-19 ang anim sa 44 na local contacts ng babaeng Finnish na nagpositibo sa bagong variant ng Omicron na BA.2.12.
Ayon sa Department of Health (DOH), tatlo sa local contacts ay kasama ng nagpositibong babae sa eroplano nang patungo ito ng Maynila.
Hindi na isinailalim sa testing ang iba pang nakasalamuha ng babae dahil sa asymptomatic naman ang mga ito.
Bagaman wala nang ibang contacts na natukoy ang DOH, nagpapatuloy naman ang kanilang beripikasyon at updates sa kaso.
Noong Abril, natukoy ng DOH ang bagong kaso na isang 52- anyos na babae sa Baguio na dumating mula sa Finland noong Abril a-2.