Tukoy na ng mga militar ang mga pangalan ng anim sa walong New Peoples Army (NPA) na nahukay sa Barangay Canadam, Maconacon, Isabela, kamakailan.
Ayon sa mga tauhan ng 502nd Infantry Brigade, kinilala ang mga bangkay na sina Willy Baltazar alyas Brad; Junjun alyas Bamboo; Raffy Valencia alyas Rigid; Jestoni Peregrido alyas Marco; Angelo Miguel Del Rosario alyas Bryan; at Mario Agustin alyas Eloy.
Ayon sa mga militar, patuloy pang inaalam ng kanilang mga tauhan ang pagkakakilanlan sa dalawa pang miyembro ng NPA na sina alyas Dondon at alyas Monmon na kapwa mula sa rehiyon ng Mindanao.
Samantala, umaasa naman ang mga militar na magbabalik loob sa pamahalaan ang iba pang miyembro ng npa upang muling makapiling ang kanilang mga pamilya at mamuhay ng tahimik.