Patay ang anim na sibilyan habang dalawa naman ang sugatan matapos ang isa na namang kaso ng suicide attack sa Kabul, Afghanistan.
Ayon sa tagapagsalita ng Interior Ministry ng Afghanistan, pinasabog ng suicide bomber ang kanyang sarili malapit sa opisina ng intelligence service.
Kabilang sa nabiktima ay isang babae na sakay ng isang sasakyan nang maganap ang pagsabog sa lugar.
Inako naman ng grupong ISIS ang naturang pag-atake.
—-