Papalo sa 6,000 pamilya ang naapektuhan matapos mawalan ng suplay ng tubig mula sa Manila Water.
Ang mga ito ay mula sa Marikina, Pasig, Quezon City, Taguig, Mandaluyong at ilang lugar sa lalawigan ng Rizal.
Reklamo ng mga residente, wala silang natanggap na abiso lalo’t ipinadaan lamang online ng Manila Water ang kanilang advisory.
Ngitngit pa ng mga apektadong residente, wala ring nakalagay sa abiso ng Manila Water sa tiyak na araw at oras kung kailan mawawalan at babalik ang tubig.
Humingi naman ng paumanhin ang Manila Water sa lahat ng mga naperwisyo nilang customer sa east zone.
Tiniyak naman ng Manila Water na ginagawan nila ng paraan upang maibalik agad sa lalong madaling panahon ang suplay ng tubig sa mga apektadong lugar.