Sugatan ang anim na indibidwal sa pagbagsak ng pedestrian bridge sa highway sa Washington, DC.
Ayon sa mga otoridad, nabangga umano ng isang truck ang tulay at nilinaw na hindi ito dahil sa structural issue.
Nagdulot ng matinding trapiko ang pagbagsak ng tulay at ilang mga sasakyan ang napinsala.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa sanhi ng pagbagsak ng tulay. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico