Sugatan ang anim na sundalo matapos makasagupa ang natitirang miyembro ng Maute Group sa Barangay Kalilangan sa Lanao Del Sur.
Ayon kay Major General Roseller Murillo ng 1st Infantry Division ng AFP, sumiklab ang bakbakan matapos na rumesponde ang militar sa natanggap nilang impormasyon na may mga namataang sampung armadong miyembro ng Maute sa lugar.
Nagtamo ng ‘minor injuries’ ang anim na sundalo matapos ang engkwentro na tumagal ng mahigit tatlumpung minuto.
Narekober sa lugar ang iba’t ibang armas at pampasabog habang patuloy naman ang ‘pursuit operation’ laban sa mga terorista.