Sugatan ang anim (6) na turista matapos mahulog ang kanilang sinasakyan sa limampung (50) metrong lalim ng bangin sa Mount Pulag.
Kinilala ang mga biktima na sina Maria Felisa Anne Cruz, Dale Kleyton Matutina, Carl Jason Lumanog, Arnel Luciano, Hanz Justine Argamosa at Alexis Fante na pawang mula pa sa Cainta, Rizal.
Batay sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang driver ng sasakyan dahil sa umano’y technical problem.
Hindi naman pinangalanan ng mga pulis kung sino sa anim na biktima ang nagmamaneho ng sasakyan.
Hanggang sa ngayon ay nagpapagaling pa sa Baguio General Hospital and Medical Center sina Fante at Matutina habang nakalabas na ng ospital ang iba pang mga biktima.
—-