Nakapagtala ang PHIVOLCS ng anim na pagyanig sa Bulkang Taal, kahapon.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot ng dalawa hanggang pitong minuto ang pagyanig na sumabay sa dalawang low-level background tremor.
Nagdulot naman ng makapal na usok ang pagyanig na umabot ng 1, 800 metro ang taas at nagbuga ng 7, 205 tonnes ng sulfur dioxide.
Sa huling tala, nasa ilalim pa rin ng Alert level 1 ang Bulkang Taal kaya pinagbabawal ang paglapit at pagsasagawa ng aktibidad malapit dito.