Pumalo na sa 60 porsyento ng ayuda mula sa National Government ang naipamahagi na sa mga apektadong pamilya dahil sa ipinatupad ng enhanced community quarantine o ECQ sa Metro Manila.
Ayon kay Interior Spokesperson Jonathan Malaya na ito’y dahil sa mas maayos na sistema na ipinatupad sa pamamahagi ng ayuda ngayong ECQ kumpara sa mga nakaraang pagkakataon.
Ilan sa mga hakbang na ito ay ang paggamit ng e-payment ng ilang mga lokal na pamahalaan, habang ang iba naman ay sa pamamagitan ng house-to-house distribution.
Kasunod nito, kumpyansa ang Interior Department na maaabot ng lahat ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang itinakdang deadline nito.