Inaresto ng maritime authorities ng Malaysia ang nasa 60 mga Chinese nationals na sakay ng anim na fishing vessel matapos pumasok sa bahagi ng karagatanng kanilang sakop.
Ayon sa Malaysian Maritime Enforcement Agency, kasalukuyang naka-detine sa Johor ang mga inarestong tripulanteng Chinese gayundin ang mga barkong sinasakyan ng mga ito.
Anila, kanilang natukoy na nakarehistro ang mga naturang fishing vessel sa Qinhuangdao, China na pinapatakbo ng anim na kapitan at 54 na mga crew na pawang mga Chinese na may edad 31 hanggang 60.
Pinaniniwalaan anilang patungong mauritania sa Africa ang mga naturang barko pero kinakailangang tumigil matapos makaranas ng problema sa makina.
Una nang inulat ng Malaysia ang nasa 89 na kaso ng panghihimasok ng Chinese Coastguard at Navy ships sa nasasakupan nilang bahagi ng South China Sea mula 2016 hanggang 2019.