Magtatapos na ngayong araw ang 60 days deadline na ibingay ng Department of Interior and Local Government o DILG sa mga local chief executives para alisin ang obstruction sa kanilang lugar.
Ayon kay Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño bukas ay magsasagawa na sila ng validation sa mga barangay sa buong bansa.
Bago niyan, inihayag ni Diño na bumuo na si DILG Secretary Eduardo Año ng validation team na iikot sa bansa.
“Bukas, iikot kami, itinalaga ni Sec. Año ang mga bumbero, mga nasa Bureau of Jail, an gating kapulisan tapos lahat ng kawani ng DILG, meron kaming team na titingin, yung validation team namin. Kung totoo yung sinabi ng mga LGU lalong lalo na dito sa Metro Manila, yung road clearing operation.”
Aniya, sa oras na bumalik ang mga naalis na obstruction sa kanilang mga nasasakupan, isasailalim na sa show cause order na galing sa mga mayor o DILG ang mga barangay kapitan.
Samantala, ang DILG na mismo ang gagawa nito sa mga mayor na hindi sumunod sa utos.
“Pagka merong mayor na hindi nagpatupad ng order ni Sec. Año, yung memorandum circular 121, si Sec. Aiño naman ang magrerekomenda kay presidente (Duterte) na masuspindi ang mayor,” ani Diño — sa panayam ng Todong Nationwide Talakayan