Patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasyente sa Dr. Jorge Royeca Memorial Hospital sa General Santos City dahil sa pa rin sa lethal haze.
Ayon kay Dr. Ma. Cristina Ramizo, pediatrician at secretary ng City Medical Society, ito’y nag-ugat pa rin sa forest fires sa Indonesia.
Sinasabing umaabot na sa 60 pasyente ang dinala sa naturang pampublikong ospital kung saan karamihan ay nakararanas nang umano’y pag-ubo.
Ayon kay Ramizo, bukod sa mga public hospital ay may mga isinugod din sa iba’t ibang klinika sa probinsya na may ubo at hika.
Payo ng doktor sa mga magulang, huwag munang palabasin sa bahay ang mga anak dahil nakasasama sa kalusugan ang haze.
Giit niya, kung hindi naman maiiwasang lumabas ng bahay ay mas mabuting pasuotin na lamang ng face mask ang mga bata para maibsan ang epekto ng haze sa kalusugan.
By Jelbert Perdez