Patay ang mahigit animnapu katao matapos ang ginawang air strike ng Saudi-led coalition sa military force ng Houthi rebels sa Yemen.
Kabilang sa mga nasawi ay ang labindalawang sundalo habang labingsiyam naman ang sugatan.
Maliban sa mga sundalo, kasama din sa mga namatay ang pitong miyembro ng isang pamilya kabilang ang ilang bata.
Matatandaang sinabi ng saudi government na hindi nila palalampasin ang ginawa ng mga rebelde na pagpapakalawa ng ballistic missile kung saan na–intercept ito sa bahagi ng Riyadh airport.