Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 1 bigtime drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Marilao, Bulacan.
Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang naarestong suspek na si Jalon Supe Laureta, taga Molino II, Bacoor, Cavite.
Nakuha mula sa suspek ang nasa 60 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng may 4.8 milyong piso, sasakyan at cellphone na ginagamit sa transaksyon.
Katuwang ng PDEA sa ikinasang operasyon ang mga tauhan ng Intellegence Service of the Armed Forces of the Philippines o ISAFP, PNP Drug Enforcement Goup (PDEG) at National Intellegence Coordinating Agency (NICA).
Dahil dito, ipinagharap na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang suspek na nasa kostudiya ng PDEA Region 3. - ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)