Nasamsam ng mga otoridad ang mahigit sa 60 kilo ng mishandled at kontaminadong karneng baboy at manok mula sa mga nagbebenta nito sa Cogon Market sa Cagayan De Oro.
Ayon kay cCity Veterinary Office OIC Dr. Lucien Anthony Aca, nakita sa meat inspection na hindi maayos ang pagkakadisplay ng mga karneng ibinebenta at masangsang na rin ang amoy ng mga ito.
Hindi na aniya ligtas ito para ibenta sa mga mamimili lalo’t ang kulay na nito ay ‘bluish-violet’ na kung saan nagpapahiwatig na mayroong bacterial load na ang mga karne.
Kasabay nito, nagpaalala ang tanggapan sa publiko na mag ingat sa mga bibilhing karne sa mga pamilihan.