Posibleng magkaroon ng 60-M doses ng bakuna kontra COVID-19 ang Pilipinas sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, sakaling magtagumpay aniya ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa ilang vaccine manufacturers.
Ayon kay Galvez, kabilang sa mga nakaka-ugnayan ng pamahalaan ang mga kumpanyang Sinovac, Astrazeneca at Pfizer.
Nangangahulugan aniya itong may nakita na silang magagandang bakuna kontra COVID-19 na masasabing ligtas, mura at epektibong performance.
Dagdag ni Galvez, pinakamura sa presyong $5 kada dose at may pinakamalaki ring quota na 20-M doses ang Astrazeneca