Lumiit ang kita ng nasa animnapung (60) milyong mahirap na Filipino dahil sa epekto ng mabilis na inflation sa unang bahagi ng taong 2018.
Ayon sa IBON Foundation, naglalaro sa 9,932,715 pesos ang nawalang kita ngayong taon dahil sa inflation na pumalo sa 5.7 percent noong Hulyo, ang pinakamataas na lebel sa nakalipas na limang taon.
Kabilang sa dahilan ng pagsirit ng inflation ang paghina ng piso laban sa dolyar, tumataas na presyo ng krudo sa international market at umiiral na tax reform of acceleration and inclusion o TRAIN Law.
Gayunman, nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas na pansamantala lamang ang mataas na inflation rate.
—-