Inihayag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) director Eduardo Gongona na nasa 60 metrikong tonelada ang mga isda na aangkatin ng bansa mula sa China o Vietnam.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Gongona na kabilang dito ang mga small pelagic fish tulad ng galunggong, matambaka, at bonito.
Kaugnay nito, nilinaw niya kailangan ng bansa na mag-angkat ng mga nasabing produkto dahil sa naging epekto ng bagyong Odette kung saan tinamaan ang mga fish producing-region gaya ng Visayas at Northern Mindanao. —sa panulat ni Airiam Sancho