Mataas na bilang pa rin ng namamatay sa Covid-19 sa Pilipinas ay matatanda.
Ayon sa Department of Health (DOH), 60% ng mga nasawi sa virus sa bansa ay mga edad anim na pu pataas.
Sila kasi ang pinaka-vulnerable sa virus at kadalasang mayroong ibang sakit.
Kahapon, una nang nanawagan sa gobyerno ang World Health Organization (WHO) na bakunahan na ang mga matatanda na may maliit na turnout sa inoculation.
Karamihan sa mga ito ay nagmula sa Cebu, Negros Occidental, Batangas, Cavite at Bulacan na may mataas na bilang ng unvaccinated senior citizens. —sa panulat ni Abby Malanday