60% ng mga sinuring bangus ng Department of Science and Technology – National Research Council of the Philippines ay nakitaan ng microplastic o maliliit na plastic sa ilang pangisdaan sa Mindanao.
Ayon kay Marine Science Institute Microbial Oceanographer Doctor Deo Florence Onda, seryosong banta sa kalusugan at kabuhayan ang maliliit na plastic.
Paliwanag naman ni Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, nilalason ng mga ito ang mga pangisdaan.
Dagdag pa Secretary Yulo-Loyzaga, panahon na para ipakolekta sa mga korporasyon ang mga plastic na kanilang ginawa.
Giit pa ng Department of Environment and Natural Resources, kinakailangan din na walumpung porsyentong plastic na nagagawa ng mga kumpanya ay nakokolekta din nila sa 2028. – sa panunulat ni Charles Laureta