60% ng mga pribadong paaralan ang handa nang isulong ang edukasyon sa pamamagitan ng flexible learning mode sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon ito kay Noel Estrada, managing director ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), base na rin sa ginawa nilang survey sa mga private schools.
Sinabi ni Estrada na hindi naman kinakailangang fully online dahil hindi naman lahat ng eskuwelahan ay mayruong kakayanan dito gayundin ang mga estudyante at mga magulang.
Binigyang diin pa ni Estrada na walang face to face o physial reporting sa mga paaralan dahil sa global health crisis.
Maraming private schools anya ang posibleng magbukas ng klase sa July o August, depende sa kahandaan ng mga guro at iba pang tauhan nila sa training sa mga bagong learning platforms.
Inamin ni Estrada na malaking hamon sa mga paaralan sa buong bansa ang flexible learning mode dahil dati ay alternative lamang.