Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nasa 60% ng traffic intersection sa Metro Manila ang mayroon nang traffic sensors.
Ayon kay MMDA chairperson Carlo Dimayuga III, nagsasagawa ang ahensya ng “Phase-by-Phase” installation ng traffic sensors sa Metropolis, na naglalayong i-install ang mga ito sa lahat ng mga pangunahing intersection.
Dagdag ng MMDA, posibleng makumpleto ang paglalagay ng traffic sensors sa lahat ng intersection sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.
Gamit ang bagong teknolohiya, kakailanganin ang pag-iinstall ng mga loop detectors upang matukoy ang daloy ng trapiko sa mga interseksyon. —sa panulat ni Hannah Oledan