Tinaya sa 60 pang Filipino ang inilikas ng Department of Foreign Affairs mula Libya.
Dalawampu’t pito sa mga ito ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport lulan ng PAL flight QR932 kahapon habang ang 33 ay nakatakdang dumating bukas.
Ayon sa DFA, 25 mula sa 60 OFW ay naka-base sa Benghazi at Eastern Libya habang ang 35 ay mula sa Western at Central Libya na inilikas noong June 3 at 4.
Dahil dito, umabot na sa 5,058 Pinoy ang nakabalik o pabalik na ng Pilipinas habang tinaya sa 3,500 ang naiwan sa Libya sa kabila ng kaguluhan sa naturang bansa.
By Kevin Reyes / Drew Nacino