Tinatayang nasa 60 pamilya ang nawalan ng tahanan makaraang sumiklab ang sunog sa Tondo, Maynila kaninang umaga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), nangyari ito sa panulukan ng mga Kalye Juan Luna at Peñalosa pasado 6:00 kaninang umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, isang tatlong palapag na bahay ang pinagmulan ng apoy at pagmamay-ari ng isang Rey Bucacao.
Dahil gawa sa light materials ang mga katabing bahay kaya nadamay ito kaya’t umabot sa ikalawang alarma ang sunog subalit naapula rin makalipas ang 20 minutos.
Wala namang nasawi o nasugatan sa sunog subalit nasa 30 bahay ang nadamay subalit inaalam pa kung magkano ang kabuuang pinsala nito.