Animnapu (60) pang Overseas Filipino Workers o OFW mula sa Kuwait ang dumating sa bansa.
Ito na ang ikatlong batch ng OFWs na dumating sa bansa mula nang magbanta ang Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang ipagbawal o magpatupad ng total ban sa pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Kuwait kung magpapatuloy ang pang-aabuso sa mga ito.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, karamihan sa mga umuwing OFWs ay biktima ng pang-aabuso ng kanilang employers sa Kuwait.
Matatandaan na kamakailan ay natagpuan sa loob ng isang freezer sa Kuwait ang labi ng isang Pilipina na hinihinalang isang taon nang nakalagak doon.
—-