Patay ang 60 habang sugatan naman ang 70 indibidwal sa naganap na sagupaan sa pagitan ng mga militar at rebeldeng grupo.
Batay sa imbestigasyon, kabilang sa mga nasawi ang mga sibilyan at mga miyembro ng Marking Founding of Kachin Independence Organisation.
Ayon sa mga otoridad, nasawi ang mga biktima sa gitna ng aktibidad sa isang based na pinagte-trainingan ng mga militar na dinaluhan ng nasa 300 hanggang 500 katao.
Samantala, ikinalungkot at ikinabahala naman ng United Nations Office sa Myanmar, ang pagkasawi at pagkasugat ng mga sibilyan kung saan, kanilang iginiit na dapat mayroong managot at responsable sa tila labis at hindi makatarungang paggamit ng pwersang panseguridad laban sa mga hindi armadong sibilyan.