Patay ang 60 katao kabilang na ang isang mayor sa naganap na pag-atake sa isang village sa Banibangou sa Southwest Niger na sakop ng West Africa.
Ayon sa senior official ng Banibangou Department na si Zakari Karidjo, naganap ang pag-atake sa isang lugar na nasakop ng mga militanteng grupo.
Wala pa umanong umaako sa nasabing pag-atake pero itinuturong Islamic State ang responsable sa pag-atake. —sa panulat ni Angelica Doctolero