Mayorya o 60% ng mga Pilipino ang nagsabing kuntento sila sa inilatag na aksyon ng mga may-ari ng pampublikong transportasyon laban sa pagkalat ng COVID-19 para sa mga drivers at pasahero.
Batay ito sa isinagawang national mobile phone survey ng social weather stations (SWS) mula Setyembre17 hanggang 20 sa mahigit 1,200 respondents sa buong bansa.
Ayon sa SWS, 27% naman ang ikinunsiderang hindi sapat o kulang ang mga ginagawang hakbang ng mga public transport owners para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Habang 13% ang hindi matiyak o undecided.
Sa kaparehong survey ng SWS, lumabas din na 44% ng mga adult Pilipino ang hindi nagmamay-ari ng anumang klase ng sasakyan at 56% ang may sariling sasakyan.
Anila, nakitang bahagyang mataas o 62% ng mga may sasakyan ang tiwalang sapat ang ginagawa ng mga public transport owner laban sa pagkalat ng COVId-19 kumpara sa 57% ng mga walang sariling sasakyan.