Hindi naman akma sa panlasa ng karamihan sa mga Pilipino ang pag-aresto ng mga awtoridad sa mga tinaguriang tambay sa kalsada.
Iyan ang lumabas sa pinakabagong survey ng SWS o Social Weather Stations kung saan nasa tatlo sa limang Pilipino ang naniniwalang labag sa human rights ang pag-aresto sa mga tambay.
Ayon sa survey na isinagawa mula Hunyo 27 hanggang 30, aabot sa 60 porsyento ang naniniwalang labag sa karapatang pantao ang pag-aresto sa mga tambay.
32 porsyento rito ang nagsabi na talagang lumalabag iyon sa karapatang pantao habang 26 na porsyento rito ang nagsabing hindi lumalabag sa karapatang pantao ang pag-aresto sa mga tambay at 14 na porsyento naman ang undecided.
Samantala, 58 porsyento naman ng may 1,200 respondents ang nagsabing hindi namimili ang mga pulis ng mga huhulihing residente.