Nagpaliwanag ang OCTA Research group sa isinusulong na hatian ng suplay ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Iginiit sa DWIZ ni Professor Guido David, fellow ng OCTA group, na 60% ang vaccine allocation ay mapupunta dapat sa National Capital Region (NCR) at CALABARZON at 10% naman sa Central Luzon, base na rin sa risk assessment na kanilang isinagawa.
Ayon pa kay David, inirekomenda rin nilang ibuhos ang 6% ng suplay ng bakuna sa Central Visayas at 4% naman sa Western Visayas.
Binigyang diin ni David na ang kanilang risk assessment ay ibinase rin nila sa economic impact ng COVID-19 pandemic.