Tinatayang 600 milyon katao ang nagkakasakit kada taon dahil sa kontaminadong pagkain.
Ayon sa World Health Organization o WHO, sa bilang na ito ay mahigit 400,000 katao naman ang namamatay.
Natuklasan ng United Nations Health Agency na halos isa sa sampung tao sa buong mundo ay nagkakasakit kada taon dahil sa pagkaing nahahaluan ng bacteria, virus, parasite, toxin at kemikal.
Giit ni Kazuaki Miyagishima, head ng WHO Food Safety Division, mahalagang isulong ng mga bansa ang pagpapalakas sa mga programang may kaugnayan sa food safety.
Sinabi pa ni Miyagishima na karamihan sa mga apektado ng foodborne diseases ay mga bata.
By Jelbert Perdez