Nahihirapan pa rin ang militar na tuluyang mabawi at tapusin ang giyera sa Marawi City.
Ito’y ayon kay Task Force Ranao Commander Brigadier General Ramiro Rey ay dahil nasa 600 mga gusali, bahay at iba pang istraktura sa lungsod ang nananatili pa ring hawak ng Maute terror group.
Aabot pa rin aniya sa dalawang daan hanggang tatlong daang mga sibilyan pa ang naiipit sa bakbakan o di kaya ay bihag pa ng mga terorista.
Samantala, sinabi naman ni Marawi Bishop Edwin dela Peña na kanyang nakumpirma mula sa isang nakatakas na bihag na buhay pa ang paring dinukot ng Maute terror group na si Father Chito Suganob.
By Krista de Dios
600 na mga gusali hawak pa rin ng Maute was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882