Nakatakda nang ilikas ang may 600 pamilya sa Brgy. Dinahican sa bayan ng Infanta, lalawigan ng Quezon.
Ito’y bilang paghahanda na rin sa pananalasa ng bagyong Rolly na nagbabanta sa gitna at katimugang Luzon kabilang na ang Metro Manila.
Gayunman, pahirapan sa mga awtoridad ang paglilikas dahil marami sa mga residente ang mas pinipili ang kanilang mga ari-arian kaysa sa sariling kaligtasan.
Maliban sa Brgy. Dinahican, binabantayan din ng mga awtoridad ang anim pang barangay para isailalim sa pre-emptive evacuation.