Mahigit 600 TMBayan Fiber WiFi hubs ang binuksan ng nangungunang digital solutions platform Globe hanggang noong katapusan ng Oktubre.
Ito’y upang matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa connectivity sa buong bansa.
Nabatid na nakamit ng TMBayan Fiber, ang pioneering prepaid fiber offer ng telco, ang milestone dalawang buwan lamang makaraang ilunsad ang serbisyo upang mas maraming Pilipino ang maabot sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinasabing partikular itong nagseserbisyo sa mga kabataan, nagkakaloob ng malakas at maaasahang connectivity para sa walang putol na bonding sa kanilang mga barkada.
Pinalalawak ang TMBayan hubs nito sa pagkuha ng mas maraming local retailers para magsilbing connectivity partners, at kasabay nito ay mabigyan sila ng bagong mapagkakakitaan.
“Our TMBayan Fiber WiFi service provides our partners a new earning opportunity as many Filipinos are still working towards recovery from the worst of the pandemic. It is a way to further empower and boost their businesses as they become the community’s new favorite ‘tambayans’ or hangouts,” pahayag ni Janis Legaspi-Racpan, Globe At Home Brand Management Head.
Kung maaalala, inilunsad ng kompanya ang unang prepaid community fiber nito sa National Capital Region (NCR); Luzon kabilang ang Bulacan, Pampanga, Cavite, at Laguna; Visayas, partikular sa Cebu at Tacloban; at Mindanao, kabilang ang Davao del Norte, Davao del Sur at Zamboanga.
Nagkakaloob ang hubs sa neighborhood tambayans tulad ng sari-sari stores at iba pang community centers ng mabilis at maaasahang fiber connectivity na mahalaga para sa gaming, browsing, streaming at paglikha ng content na ibabahagi sa mga kaibigan.
Sa pamamagitan ng TMBayan Fiber WiFi, ang mga Pinoy ay makaka-access Fiber strong internet connectivity sa halagang P50, unlimited sa loob ng tatlong araw.
Kailangan lamang ng TM subscribers, Globe at maging ng non-Globe customers na bumili ng promo sa pamamagitan ng pag-load sa kanilang neighborhood sari-sari stores at kumonekta sa TMBayan Fiber WiFi portal. Maaari silang magtungo sa WiFi device settings, hanapin ang @TMBayanWiFi, ipasok ang mobile number, at i-verify ang access gamit ang one-time password (OTP) na natanggap via SMS.
“There is a segment of the market that is predominantly prepaid but are now in need of better speeds and more reliable connection that fiber can provide. As such, Globe continues to roll out prepaid fiber hubs to cater to the growing number of the digital Filipino. Our TMBayan Fiber WiFi is Globe’s response to the public clamor and the government’s call for reliable and affordable internet connectivity accessible to the masses,” ani Racpan.