Aabot pa sa 6,000 paaralan sa ilalim ng basic education curriculum ang karapat-dapat nang magsagawa ng limited in-person classes sa bansa.
Ayon kay Roger Masapol, planning service director ng Department of Education (DepEd), inaalam na nila ang kahandaan ng mga paaralang ito.
Hanggang kahapon, nasa 1,876 public at private school sa bansa ang nagsagawa na ng limited in-person classes.—mula sa panulat ni Abby Malanday