Aabot sa 60,000 nasawi na may kaugnayan sa COVID-19 ang naitala ng China sa loob lamang ng isang buwan.
Ito na ang pinakamalaking bilang na inilabas ng mga awtoridad mula nang paluwagin ng Beijing ang mga paghihigpit sa virus noong unang bahagi ng Disyembre.
Una rito, inakusahan na nag china sa hindi pag-uulat ng bilang ng mga nasawi sa Coronavirus mula nang iwanan ang patakaran nito na zero-covid.
Ilang dosenang pagkamatay lamang ang opisyal na naitala noong Disyembre, sa kabila ng punuang mga crematorium at ospital.