Aabot sa 60,000 doses ng Novavax vaccine na likha ng Serum Institute of India ang inorder ng mababang kapulungan ng kongreso para sa mga empleyado nito.
Ayon kay Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III, ang naturang libo-libong doses ay nagkakahalaga ng P50-M na hindi lamang para sa empleyado ng kapulungan maging sa mga miyembro ng kanilang pamilya.
Kasunod nito, umaasa si Garcia na walang magiging delay sa pag-deliver ng mga bakuna kontra COVID-19.
Mababatid na pasok sa vaccination program ng mababang kapulungan ang mga kawani, permanent o contractual, congressional staff, mga empleyado ng commission on audit, civil service commission, department of budget and management, maging ang mga media na nakatalaga sa Kamara at iba pa.
Sa huli, tiniyak naman umano sa kanya ng distributor na tuloy ang schedule sa pagdating ng Novavax sa buwan ng Hulyo.