Inihayag ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na pumalo na sa mahigit 60K ang naitalang bilang ng mga pasaherong uuwi sa kanilang probinsya kasabay ng paggunita ng Semana Santa.
Ayon sa PITX umaga palang ay nagsimula ng dumagsa ang mga pasaherong magbabakasyon ngayong Holy Week.
Fully booked na ang mga biyahe patungong Bicol hanggang sa Abril 14 habang hanggang ngayong araw na lamang maaaring makabili ng ticket ang mga pasaherong bibiyahe sa Baguio at Quezon Province.
Nanawagan naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper ng bus at jeep na iwasan ang habulan o gitgitan sa mga kalsada upang mapanatili ang kaligtasan ng mga pasahero. — sa panulat ni Angelica Doctolero