Nakalipad ang nasa animnapu’t isang (61) flights nang hindi naiparating sa Manila International Airport Authority (MIAA).
Ito’y kaugnay pa rin ng mga naapektuhang biyahe bunsod ng sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines sa runway sa NAIA.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, nagkaroon ng congestion sa flight schedule dahil dito.
Hawak lamang umano ng mga ito ang permiso mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Civil Aeronautics Board (CAB) ngunit nalampasan ang MIAA.
Kabilang na rito ang apat na flights ng Xiamen Airlines kung saan marami rin ang naapektuhang flights.
—-