Suportado ng 61% ng mga Pilipino ang isinasagawang imbestigasyon ng Quad Committee ng Kamara hinggil sa extrajudicial killings, iligal na droga, at Philippine Offshore Gaming Operations.
Batay sa survey ng Pulse Asia, 24% ng mga Pinoy ang nagsabing hindi sila sigurado o pabor sa ginagawang imbestigasyon kaugnay sa mga nasabing isyu;
Habang 11% naman ang nagsabing hindi sila pabor.
Ang nasabing survey ay isinagawa noong November 26 hanggang December 3, 2024 sa 2,400 respondents sa bansa.