Animnaput isang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nagkasakit at nagpakonsulta matapos mabakunahan ng Dengvaxia vaccine.
Ito ang kinumpirma ni Senior Supt. Reimond Sales, ang hepe ng PNP General Hospital kung saan apat sa mga ito ang na-confine.
Ayon kay Sales, kabilang sa mga ininda ng mga nabanggit na pasyente ang pananakit ng katawan, ubo, sipon at lagnat.
Dagdag ni Sales, isang utility ng PNP General Hospital na kinilalang si John Rey Pintor ang kabilang sa mga na-confine at nasawi dahil sa Pneumonia.
Sinabi pa ni Sales na aabot sa 4,500 mga pulis at civilian employees ng PNP ang naturukan ng Dengvaxia kung saan karamihan ay mga taga Metro Manila.
Krista de Dios/ Jonathan Andal / RPE