Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 616 aftershocks sa Abra at Ilocos Norte.
Ito’y kasunod pa rin ng nangyaring Magnitude 6.4 na lindol sa Lagayan, Abra.
Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, 128 ang plotted earthquakes o natukoy ng 3 o higit pang istasyon ng ahensya habang nasa 7 naman ang may kalakasan at naramdaman ng mg residente.
Ang naitalang aftershocks ay mula 1.4 hanggang 4.8 magnitude.
Una nang sinabi ng PHIVOLCS na magpapatuloy ang minor to moderate aftershocks kasunod ng malakas na lindol at posibleng tumagal ito ng ilang araw o linggo.