Umabot na sa 4,210 na mga driver, konduktor at dispatcher ng pampublikong transportasyon, ang sumailalim sa drug testing kasabay ng unang araw na oplan biyaheng ayos: Semana Santa.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 61 sa mga ito ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na shabu at marijuana.
Sa bilang na 61, 27 ay tricycle driver, sampu ang jeepney driver, labing-isa ang bus driver, pito ang van driver, lima ang konduktor at isa ang dispatcher.
Dahil dito, hindi na papayagang makabiyahe ang mga nagpositibo, habang kumpiskado rin ang kanilang ng mga lisensya ng Land Transportation Office (LTO).
Para makuha muli ang lisensya, kailangan munang sumailalim sa angkopna programa mula sa kanilang kani-kaniyang Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACS). – sa panulat ni Abby Malanday