Inihayag ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 62 milyon ang kabuuang bilang ng mga fully vaccinated kontra COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na humigit-kumulang 69.8% ang saklaw nito, kung pag-uusapan ang target na pitumput pitong milyong indibidwal na ganap nang nabakunahan.
Samantala, humigit-kumulang 9.6 na milyong booster doses ang naibigay na sa ngayon.
Gayunpaman, hinihikayat ni Vergeire ang publiko na mag-receive na ng booster vaccines para mas tumaas ang antas ng proteksyon ng katawan laban sa virus. —sa panulat ni Kim Gomez