Aabot sa 62 sa kabuuang 101 licensure examinations ang naisagawa sa bansa nitong 2021 sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Professional Regulation Commission (PRC) Chairperson Teofilo Pilando Jr., mas mataas ito sa naitala noong 2022 na nakapagsagawa ng 11 examinations mula sa kabuuang 85.
Ilan sa kinaharap na problema ay ang nagpapatuloy na pandemya, pabago-bagong quarantine classifications, travel restrictions at ang ipinatutupad ng safety protocols.
Ngayong taon, pinag-aaralan na ang pagsasagawa ng Special Professional Licensure Examination (SPLE) pero kailangang nakasunod sa COVID-19 restrictions sa pilipinas at iba pang host countries. —sa panulat ni Abby Malanday