Pumalo na sa 62 ang bilang ng mga nasawi bunsod ng walang tigil na malalakas na pag-ulan dahilan para magkaroon ng malawakang pagbaha sa India.
Ayon sa Disaster Management ng India, aabot sa 2M katao ang apektado matapos lamunin ng baha ang kanilang tirahan.
Bukod pa dito, nagkaroon din ng landslide at pagragasa ng mga putik at bato dahilan para matabunan at tangayin ang mga biktima.
Sa ngayon, 32 sa 35 distrito sa nabanggit na bansa, ang nananatili pa ring lubog sa baha habang nasa 3M katao naman ang lumikas sa tulong narin ng mga otoridad.