PUMALO sa P9.43 bilyon ang halaga ng koleksyon ng National Telecommunications Commission (NTC) para sa taong 2023.
Sinasabing lagpas ito ng P3.5 bilyon o 6.2 percent sa collection target ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na P5.91 bilyon.
Pahayag ng NTC, ang malaking koleksyon ng ahensya ay bunsod ng pagsusumikap ng mga tauhan nito sa mahigpit na pagpapatupad ng stakeholders’ compliance sa pagre-remit ng spectrum users’ fees, at pagbabantay sa regulation fees at penalties.
Ang NTC ang ahensya ng gobyerno na nangangasiwa sa mga cable at commercial television operators, broadcast radio stations, telecommunications companies at commercial and portable radio operators.
Sabi naman ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez said, sa pamamagitan ng systematic collection effort ng NTC ay nakapag-aambag ito sa public service programs ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nakasentro sa food security, free and universal primary education, at public health.