63 barangay pa mula sa North Cotabato ang kabilang na sa Bangsamoro Autonomous Region.
Kasunod na rin ito ng proklamasyon ng COMELEC na umupo bilang national plebiscite board of canvassers bilang resulta ng double majority yes vote sa mga nasabing barangay at kani kanilang munisipalidad.
Kabilang sa mga nasabing barangay ang Dunguan at Tapodoc sa bayan ng Aleosan, Kibayao, Kitulaan, Langogan, Manarapan, Nasapian, Pebpoloan at Tupig sa bayan ng Carmen, Buluan, Nanga-an, Pedtad Sanggadong, Simbuhay, Simone at Tamped sa Kabacan, Damatulan, Kadigasan, Kadingilan, Kapinpilan, Kudarangan, Central Labas, Malingao, Mudseng, Nabalawag, Olandang, Sambulawan, Tugal at Tumbras sa Midsayap.
Bukod pa ito sa mga barangay ng Lower Baguer, Balacayon, Buricain, Datu Binasaing, Datu Mantil, Kadingilan, Libungan Torreta, Matilac, Lower Pangangkalan, Upper Pangangkalan, Patot at Simsiman sa bayan ng Pigkawayan at 22 barangay mula sa bayan ng Pikit.
Iprinoklama rin ng Comelec En Banc ang anim na munisipalidad ng Lanao Del Norte ang Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagaloan at Tangkal na bigong mapasailalim sa Bangsamoro Autonomous Region matapos mabigong makakuha ng double majority vote.