Inihayag ng Department of Health (DOH) na 63 milyong Filipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, na ang nasabing bilang ay 70% ng target na 90 milyon na mababakunahan.
Dadag pa ni Cabotaje, na nasa 300,000 hanggang 500,000 ang nababakunahan araw-araw at kailangan pa ring pag-ibayuhin ang ibang pang istratehiya para mapataas ang mga nagpapabakuna araw-araw.
Samantala, inihayag din DOH undersecretary na sa NCR pa rin naitala ang may pinakamaraming nabakunahan na sinundan ng mga probinsiya sa Region I, Region II at mga lugar sa Cordilelra, Region III, Region IV-A at Western Visayas. —sa panulat ni Kim Gomez