Pumalo na sa 63 ang bilang ng mga sugatang indibidwal kasunod ng magnitude 6.4 na lindol sa Ilocos Norte.
Ayon sa provincial government, 76 na pamilya o katumbas ng 257 katao sa 37 lugar sa lalawigan ang apektado kung saan, 71 tirahan ang bahagyang nasira sa naganap ng lindol.
Sa datos ng PDRRMO ng Ilocos Norte, pumalo na mahigit P46 million ang halaga ng pinsala sa imprastraktura kabilang na dito ang mga kalsada, tulay, gusali, at ospital na pinaka naapektuhan ng pagyanig.
Apektado din ang mga pasilidad at kagamitan ng mga paaralan sa lalawigan dahilan kaya nananatili paring kanselado ang pasok ng mga estudyante.
Samantala, nanawagan naman ng tulong sa publiko ang mga residente sa lugar, partikular na ang pagkain, malinis na inuming tubig, gamot, at mga damit.